What's Hot

Arianne Go, inaresto na! | 'Misty' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published August 11, 2020 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Arianne Go


Ano ang nag-tulak kay Detective Kang para arestuhin si Arianne Go? Alamin.

Natuklasan na ni Yuri (Jeon Hye-jin) ang black box na nagbubunyag ng tunay na relasyon ni Arianne Go (Kim Nam-joo) at ang asawa niya na si Kevin Lee (Go Joon).

Kaya naman banta ni Yuri sa kaibigan, “Kapag binigay ko ang black box sa asawa mo, malamang ay iiwan ka ng asawa mo. Kapag tinapon ko naman 'yon, mawawalan ka ng pruweba na inosente ka.

“So, pumili ka. Ipapakita ko ba ang ebidensya ng kalandian mo o itatago ko ang magpapalaya sa'yo? Ano'ng mas masakit para sa'yo?”

Samantala, sa araw na dapat aangat na si Arianne sa kanyang career --- mula sa pagiging news anchor ng News 9 to Blue House press secretary --- ay opisyal na inaresto siya sa pagpatay kay Kevin Lee.

Ano kaya ang nag-tulak kay Detective Kang para arestuhin si Arianne Go? Paano dedepensahan ni Tommy Kang (Ji Jin-hee) ang kanyang asawa?

Patuloy na panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng Misty, mula Lunes hanggang Huwebes, sa GMA Telebabad.