
Isang malaking alok para sa karera ni Arianne Go (Kim Nam-joo) ang kanyang natanggap mula sa Vice President ng JBC.
Kapalit nito, ang Kang Yool Law Firm ang kakatawan sa kanya sa korte at kailangan mapanalo nito ang murder case kung saan siya ang prime suspect.
Samantala, unti-unti nang napapamahal si Arianne Go sa kanyang asawa na si Tommy Kang (Ji Jin-hee).
Dahil sa isang pagtangka sa buhay ni Tommy, agad na binisita ni Arianne ang kanyang asawa sa ospital upang masilayan na ligtas ito sa kapahamakan.
Kamusta kaya si Tommy?
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Misty, mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.