GMA Logo Misty title card
What's Hot

Arianne's pursuit of happiness | 'Misty' The Finale

By Cara Emmeline Garcia
Published September 7, 2020 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Misty title card


Nakamit na kaya ni Arianne Go ang kaligayahang pinapangarap niya? Balikan ang finale episode ng 'Misty.'

Sa huling linggo ng Misty, umamin na si Tommy (Ji Jin-hee) na siya ang may sala sa pagkamatay ni Kevin Lee (Go Joon).

Kuwento ni Tommy kay Arianne Go (Kim Nam-joo), hindi niya napigilang makipagdiskusyon sa dating nobyo nito.

Dahil sa galit at selos na nararamdaman, naitulak niya si Kevin sa isang pader ngunit nawalan kaagad ito ng malay at namatay.

Para pagtakpan ang krimen na nagawa, tinangka ni Tommy magpakamatay na lamang gamit ang kotse ni Kevin ngunit hindi ito nagtagumpay kaya pinagmukha na lamang niya na nasangkot sa isang car accident ang pro-golfer.


Makalipas ang ilang buwan na pagtatago, sumuko na sa awtoridad ang suspek sa pagpatay kay Kevin Lee.

Sino ito? Si Melvin (Im Tae-kyung), ang kababatang kaibigan ni Arianne Go.

Bakit niya pinagtakpan si Tommy? Alamin:

Sa kasalukuyan, invited guest si Tommy sa bagong talk show ni Arianne.

Napaisip si Tommy kung magiging masaya ba ang kanyang asawa kung sinabi niya ang katotohan sa simula. Dahil dito, hindi napigilan ni Tommy na maiyak at isara ang kanyang mga mata habang nagmamaneho ng kotse papunta kay Arianne.

Habang ito ay nangyayari, nagtanong ang isang fan kay Arianne kung masaya ba siya sa kanyang buhay dahil sunud-sunod ang grasya na natatanggap nito

Ano ang sagot ni Arianne?