What's on TV

Ariella Arida, Lara Quigaman at Lovely Abella, mag-aagawan sa iisang korona?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 19, 2026
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Tatlong kasambahay na may isang pangarap. Ito ang kuwentuwaang katatampukan nina Ariella Arida, Lara Quigaman at Lovely Abella sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, November 20.

Tatlong kasambahay na may isang pangarap. Ito ang kuwentuwaang katatampukan nina Ariella Arida, Lara Quigaman at Lovely Abella sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, November 20.

Nais makoronahan bilang isang beauty queen nina Nenita (Ariella), Menchu (Lovely) at Chenelyn (Lara). Kaya naman, nang magkaroon ng beauty contest sa kanilang barangay ay hindi sila nag-atubiling sumali rito. 

Sa una ay hahadlang sa kanilang plano ang kanilang amo, ang mayamang transsexual na si Vivien (Donita Nose) ngunit sa huli ay mapapapayag nila ito. ‘Yun pala, ang totoong problemang kakaharapin ng tatlong aspiring beauty queens ay ang pagdating ng guwapong organizer na si Luke (JC Tiuseco). 

Mula sa pag-aagawan sa korona ay mapupunta sa pag-aagawan ng lalaki ang kumpetisyon nila. Magkakagusto sina Nenita, Menchu at Chenelyn kay Luke at masisira ang kanilang pagkakaibigan.

Matupad pa kaya ang pangarap nilang maging beauty queen, o pati ang pagkakaibigan nila ay magtapos na rin?

Huwag palamapasin ang kuwentuwaang ito sa Dear Uge ngayong Linggo, November 20, 2:30 P.M.