
Photo by: araarida (IG) laraquigaman (IG) lovelyabella_ (IG)
Gaganap bilang mga ambisyosang kasambahay sina Ariella Arida, Lara Quigaman, at Lovely Abella sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Sabado, July 30.
Pangarap nina Nenita (Ariella), Menchu (Lovely), at Chenelyn (Lara) ang magkaroon ng sarili nilang korona bilang mga beauty queen. Kaya naman, nang magkaroon ng beauty contest ang kanilang barangay ay hindi nag-atubiling sumali ang ating tatlong bida.
Noong una ay kontra sa kanila si Vivien (Donita Nose), ang kanilang among transsexual, ngunit sa kalauna’y napapayag din nila ito. Pero, hindi pala ito ang totoong hamon sa ating mga bida.
Makikilala nina Nenita, Menchu, at Chenelyn ang organizer na si Luke (JC Tiuseco). At kung noon ay korona ang kanilang pinapangarap, ang guwapong lalaki na ang kanilang pag-aagawan ngayon.
Paano na kaya ang kanilang pangarap at pagkakaibigan?
Sundan ang kahihinatnan ng kuwentuwaang pagbibidahan ng ating ‘Yaya Queens’ ngayong Linggo, July 30, sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology, ang Dear Uge!