GMA Logo Arkin Del Rosario and Alden Richards
Photo by: Jayme Vista
What's Hot

Arkin Del Rosario, gustong makatrabaho ang idolong si Alden Richards

By Aimee Anoc
Published June 8, 2022 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tepid early turnout in Myanmar election as junta touts stability
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Arkin Del Rosario and Alden Richards


Sino-sino kayang Kapuso celebrities ang hinahangaan at gustong makatrabaho ni Arkin Del Rosario?

Isa sa mga artistang hinahangaan ng Kapuso young heartthrob na si Arkin Del Rosario ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Sa interview sa GMANetwork.com, sinabi ni Arkin ang Kapuso celebrities na gusto niyang makatrabaho sa hinaharap.

"Of course si Kuya Dingdong Dantes, Marian Rivera. Mataas ang tingin ko kay Alden Richards kasi sobrang professional niya. Si Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, sila ang mga hinahangaan ko at gusto kong makatrabaho in the future," pagbabahagi ng aktor.

Ngayong Hunyo, mapapanood si Arkin sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols kung saan makakasama niya ang isa sa hinahangaan niyang Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto.

"Natupad na 'yung isa na makatrabaho ko si Ate Peachy (Rufa Mae Quinto) kasi alam naman natin na icon na si Ate Peachy pagdating sa comedy and dream come true ko na makatrabaho si Ate Peachy," dagdag ni Arkin.

Samantala, ibinahagi rin ni Arkin ang pasasalamat na mapabilang sa cast ng Tols.

"I'm very excited and very happy. Nagpapasalamat ako sa GMA Network, kay Sir Tyronne [Escalante], sa manager ko, sa Merlion [Events Production], salamat. And then kay Direk Monti [Parungao], maraming salamat sa tiwalang binigay nila sa akin para sa project na ito," sabi ng aktor.

Sa Tols, bibigyang buhay ni Arkin ang guwapo pero "bully" na anak ni Tuks Bayagbag (Betong Sumaya) na si Makoy.

Abangan si Arkin sa Tols, simula June 25, 7 p.m. sa GTV.

Samantala, tingnan ang naganap na media conference ng Tols sa gallery na ito: