What's on TV

Arnaldo o Edwin: Kanino mas nakaka-relate si Luis Alandy?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa Afternoon Prime na 'Innamorata', ginagampanan ni Luis Alandy ang karakter nina Arnaldo at Edwin. Ang mga lalaking mula sa magkaibang panahon ngunit mayroong iisang mukha. Kanino nga ba mas nakaka-relate ang aktor?

Sa Afternoon Prime na Innamorata, ginagampanan ni Luis Alandy ang karakter nina Arnaldo at Edwin. Ang mga lalaking mula sa magkaibang panahon ngunit mayroong iisang mukha. Kanino nga ba mas nakaka-relate ang aktor?

Sa isang interview, inamin ni Luis na mas malapit siya sa role na Arnaldo. Ito ay dahil old-fashioned umano siya sa totoong buhay.

Si Arnaldo ay ang nag-iisang lalaking minahal ni Alejandra (Gwen Zamora). Mabubuhay siyang muli sa pamamagitan ng isang painting upang makuha si Edwin, ang lalaking aakalain niyang si Arnaldo.

Si Edwin naman ay ang lalaking iniibig ni Esperanza (Max Collins), ngunit aagawin ito ni Alejandra sa pag-aakalang binalikan siya ni Arnaldo.

Sa karakter naman na Edwin, iba ang ginawang approach ni Luis sa pag-arte.

“Si Edwin kasi I try to make the character more positive. 'Yun dapat 'yung views ng tao, para 'yung #100happydays na makikita sa social media. Ganoon 'yung gusto kong character ni Edwin. So kahit may mangyaring masama, he stays positive,” pahayag niya.

Bukod sa pagiging positibo sa buhay, hinahangaan niya rin ang isa pang katangian ni Edwin.

Kuwento ni Luis, “he's very sensitive too, pero may positive mind siya about it”.

Abangan sa Innamorata kung kaninong pag-ibig ang magwawagi, kay Alejandra o kay Esperanza? Monday to Friday, pagkatapos ng Villa Quintana.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com