What's Hot

Arnell Ignacio parodies Mocha Uson; suggests speech on how to explain federalism

By Jansen Ramos
Published August 8, 2018 12:09 PM PHT
Updated August 8, 2018 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Habagat to bring cloudy skies, rains over Luzon; monitoring 2 tropical cyclones, LPA outside PAR
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News



Pinayuhan ng media personality at OWWA Deputy Executive Director na si Arnell Ignacio si PCOO Asec. Mocha Uson kung paano dapat ipaliwanag ang pederalismo. Panoorin!

Pinayuhan ng media personality at OWWA Deputy Executive Director na si Arnell Ignacio si PCOO Asec. Mocha Uson kung paano dapat ipaliwanag ang pederalismo.

Maraming bumatikos sa controversial federalism video ni Asec. Mocha at ng kanyang co-host na si Drew Olivar kung saan gumawa sila ng jingle para dito. Anila, pinaninindigan nila ang kanilang ginawang aksyon dahil wala naman daw masama sa pagsasayaw para mapaliwanag ang usaping pederalismo sa social media.

READ: Mocha Uson, slammed for 'ipederalismo' dance

Sa videong ipinost ni Arnell sa Facebook, ginamit niya ang kanyang pagiging komedyante para bigyan ng advice ang kanyang kaibigang si Mocha. Maaalalang nagkasama sila noong ipinangagampanya nila si Pangulong Rodrigo Durterte noong 2016 elections. Kasabay ng pag-upo nito bilang presidente, nabigyan sina Arnell at Mocha ng posisyon sa gobyerno.

Bungad ni Arnell sa kanyang video, "Mocs, may friend. Alam mo naman 'pag ganitong sitwasyon, sinu-sino pa ba ang magdadamayan e 'di tayo-tayo rin."

"'Di tayo lahat perfect. Alam ko very challenging ang iyong trabaho so meron lang akong suggestion na script na baka makita mong mas makakatulong sa pagpapaliwanag mo ng federalism na napakakontrobersyal."

Nagbihis ang komedyante tila si Mocha at saka sinambit ang kanyang suggested speech.

Narito ang buong transcription:

"Opo, si Mocha po ito, haggard lang kasi ang dami pong bashing 24/7 pati po mga senador bina-bash na po ako. "

READ: Mocha slams senators who criticized her over 'federalism dance'

"Mga ka-DDS at kontra-DDS, alam ko naman pong marami ang 'di bilib sa akin pero marami rin naman pong naniniwala. Marami pong galit pero marami din pong nagmamahal.

"Alam ko pong 'di n'yo makakalimutan noong ako po ay isang sikat na sikat na sex guru. 'Di ko rin po makalimutan 'yun pong ilan sa aking mga nagawa na panghihipo at magpahipo, manlamas at magpalamas. 'Di ko po nakakalimutan 'yan.

"Pero ang ibig sabihin po ba niyan o nangangahulugan ba [iyan] na ang pagmamahal ko sa bayan ay hindi pwedeng tapatan ng inyong pagmamahal dahil sa ala-ala na 'yan? Siguro naman po ay hindi.

"Siguro naman isipin n'yo kayo na rin ang nagsasabi na ang traditional media ay hindi po ni-rereport. Ang lahat ng ginagawa ng ating pamahalaan ay ako lang po ang nakakagawa n'un. [Kaya nga] po andito po ako ngayon dahil marami akong supporters. Alam n'yo naman po ang gagawin ng ating presidente kung aasahan niya 'yung iba. Ako lang naman po ang natira na nandito so sana naman po bigyan n'yo ko ng pagkakataon.

"At tungkol naman sa usaping federalism, Senator Nancy, alam ko naman po na 'di ako kasing talino ninyo at kasing talino ng lahat ng mga inaasahan n'yong magpaliwanag nito pero 'di naman po ako nag-iisa. 'Yun nga pong nagbubuo nito ay nalilito rin sila.

"Ako lang naman po ay tagapagtawag lang ng atensyon ng lahat at kung hindi ko na po alam ay mag-ko-call a friend na po ako para po mas mapaliwanag sa inyong lahat. Sana po ay tawagin n'yo kaming lahat, 'wag naman po ako lang mag-isa, haggard na po ako sa dami nga po ng bashers.

"At bakit ko nga po ba sinusulong ito? Dahil ang naniniwala po dito ay isang taong aking pinaniniwalaan at isang tao na puso at buhay at kaluluwa ay inalay na sa bansa at walang iba po 'yan kundi ang ating Pangulo Rodrigo Duterte."