GMA Logo Anjo, Shaira, Suzi, Susan, Arnold, Chef JR, Atty Gaby, Kaloy
Photo source: Michael Paunlagui
What's Hot

Arnold Clavio at Suzi Entrata, proud and honored sa 25 years ng 'Unang Hirit'

By Kristian Eric Javier
Published November 28, 2024 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Anjo, Shaira, Suzi, Susan, Arnold, Chef JR, Atty Gaby, Kaloy


Patuloy pa rin umanong gigising sa umaga sina Arnold Clavio, Suzi Etrata, at ang buong barkada ng 'Unang Hirit.'

December 9, 1999 nang unang umere ang morning show na Unang Hirit at ngayong ipagdiriwang na nila ang kanilang 25th anniversary, proud at honored ang OG o original hosts nito na sina Arnold Clavio at Suzi Entrata sa bagong milestone na naabot ng kanilang programa.

Kamakailan lang ay nagpunta sa isang mall sa Quezon City ang hosts ng programa para sa isang meet and greet event kung saan nakisaya at nagpalaro sila sa kanilang mga tagasubaybay.

Sa panayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Miyerkules, November 27, ibinahagi ni Igan Arnold Clavio na hindi siya magsasawang gumising nang maaga para lang makarating sa Unang Hirit at makapagbigay ng pang-unang balita sa mga manonood. Katunayan, “so much fun” para sa kanya ang bawat araw.

“Nagbibigay ka ng saya, sumasaya ka rin, nagbibigay ka ng balita, nakakapaglingkod ka so 'yun 'yun e. 'Yun 'yung nakakawala ng pagod,” sabi ni Arnold.

Proud naman umano si Suzi na matapos ang 25 years na serbisyo nila bilang isang morning show ay nandito pa rin sila at kasama ng kanilang manonood tuwing umaga.

Aniya, “It's always been the same, tapos I guess we believe din so much na sa Unang Hirit ng umaga ninyo, kasama n'yo kami, at hanggang 25 years later, 'yun pa rin 'yung ginagawa namin at it's just our pleasure and honor.”

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEET AND GREET NG UH BARKADA SA KANILANG MGA TAGASUBAYBAY SA GALLERY NA ITO:

Bukod kina Arnold at Suzi, binubuo rin ang UH Barkada nina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Lyn Ching, Atty. Gaby Concepcion, at Chef JR Royol. Nadagdag pa ang new generation of hosts na sina Kaloy Tingcungco, Shaira Diaz, at Anjo Pertierra.

Para kay Kaloy, “malaking life milestone” ang makasama siya sa UH Barkada, at sinabing isa iyong “once in a lifetime opportunity.” Samantalang si Morning Sunshine Shaira Diaz naman, sinabing napakasuwerte at very happy silang maging parte ng naturang show.

Sabi ni Anjo tungkol sa samahan nila bilang UH Barkada, “It's more than just eating together at the table, it's about being a real friend, a real family member to one another.”

Nagbago man ang panahon, hindi naman nagbago ang layunin ng kanilang programa. At sa silver anniversary ng Unang Hirit sa December 6, ano ang aabangan ng kanilang mga tagasubaybay?

“Marami kaming sorpresang hatid kaya 'wag kayong mawawala,” sabi ni Arnold.

Panoorin ang buong panayam ng UH Barkada dito: