
“Believe in yourself.”
Ito ang payo ng GMA News Pillar na si Arnold Clavio sa tanong kung paano maiiwasan ang pagiging awkward sa inyong first meeting.
Dagdag ni Igan, “Dagdagan niyo pa 'yung tiwala niyo sa sarili.”
“Kung kulang, dagdagan niyo. At ngayon kung dagdagan niyo, dagdagan pa n'yo nang dagdagan.”
Nilinaw din ni Igan na magkaiba ang self confidence sa pagiging mayabang.
Hindi naman 'yung yabang. Iba 'yung self confidence sa yabang e,” paliwanag niya.
“So mawawala 'yung awkward moment kapag sigurado ka sa sarili mo.”
Nagbigay din si Arnold ng payo kung kailan dapat makinig at kailan magsalita.
“Kapag naibigay mo na 'yung mensahe mo, tingnan mo na 'yung reaksyon,” payo ni Arnold.
“Kasi doon mo makikita na naging successful ka sa paghahatid ng mensahe.
“And learn how to shut up.”
Panooring ang #RealTalk ni Arnold:
Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners