
Ipinadama kamakailan ni GMA News anchor at TV host Arnold Clavio ang Puso ng Pasko sa crew ng kanyang mga programa.
Nag-ala Santa Claus kasi siya at nagbigay sa mga ito ng simpleng regalo bilang pasasalamat.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang litrato mula sa kanyang munting gift-giving.
"Merry Christmas sa aming mga cameraman at assistant cameraman sa studio at sa remote... Maraming salamat sa inyong talento para maipakita kami sa publiko...Mabuhay!!!" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Isa si Arnold sa mga Kapuso sa naging bahagi ng GMA Christmas Station ID ngayong taon.