GMA Logo arnold clavio on  igan foundation project
What's Hot

Arnold Clavio, may bagong proyekto para sa mga frontliner

By Aedrianne Acar
Published June 30, 2020 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

arnold clavio on  igan foundation project


Hinikayat ni GMA News broadcaster Arnold Clavio ang kanyang followers na bumili ng washable mask ng iGAN Foundation upang mapondohan ang feeding program at iba pang proyekto nito para sa mga frontliner.

Bukod sa trabaho niya sa TV at sa radyo, abala rin ang GMA News broadcaster na si Arnold Clavio sa mga proyekto niya sa iGAN Foundation, na nakatutok sa mga taong pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Ang iGAN NG PILIPINAS FOUNDATION, INC. ay isang non-profit organization na tinatag ni Arnold noong 2001 para tulungan ang mga bata na may life-threatening disease.

Sa Instagram post ng batikang news anchor, hinimok niya ang kanyang followers na suportahan ang washable mask for a cause ng kanyang foundation.

Arnold Clavio, pinaalalahan ang mga magulang na bigyan proteksyon ang kanilang anak sa tuwing lalabas ng bahay

Ayon sa kanya, ang malilikom na pondo ay gagamitin sa feeding program at ibang projects para sa mga frontliner.

“Washable mask for a cause. Proceeds will go to Igan Foundation's “Lugawan ni Igan” feeding program and other projects for frontliners. Sa halagang P150 pesos per pc nakatulong ka na.. naging safe ka pa #wearmask #staysafe #walangiwanankayIgan.”

Washable mask for a cause. Proceeds will go to Igan Foundation's “Lugawan ni Igan” feeding program and other projects for frontliners. Sa halagang P150 pesos per pc nakatulong ka na.. naging safe ka pa 😉 #wearmask #staysafe #walangiwanankayIgan

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan) on

Matatandaan na naging abala rin si Arnold Clavio sa pagtulong sa mga healthcare workers sa pamamagitan nang pagbibigay ng personal protective equipment (PPE) sa iba't ibang hospital sa Metro Manila.

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners