GMA Logo arnold clavio
Source: Arnold Clavio/FB
What's Hot

Arnold Clavio, sa akusasyon ng ex-bodyguard ni Zaldy Co: 'Lies'

By Kristian Eric Javier
Published June 17, 2026 10:47 AM PHT
Updated June 17, 2026 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

68 dead, 33 missing after M7.8 Mindanao earthquake — OCD
Search, rescue ops continue amid unstable terrain after M7.8 Glan quake
Gazini Ganados is beautiful in black at lifestyle magazine's ball

Article Inside Page


Showbiz News

arnold clavio


Mariing sinabi ni Arnold Clavio na kasinunglingan lamang ang akusayson ng mga dating bodyguard sa kaniya ni Zaldy Co.

Kasinungalingan lang diumano ang ibinibintang sa broadcaster na si Arnold Clavio ng dating bodyguard ni Cong. Zaldy Co.

Sa naganap kamakailan lang na press conference ng dating 18 bodyguards ni Co, ilang personalidad ang pinangalanan nila na hinatiran diumano ng male-maletang pera mula sa flood control projects. Ilan sa mga nabanggit ay ang media personalities na sina Clavio at Ramon Tulfo.

Sa isang pahayag, itinanggi ni Clavio ang paratang na ito at sinabing handa siya haharapin isyu nang walang takot.

"LIE. Nakakatawa. Nakakalungkot," ani Clavio.

"Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago. Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang."

A post shared by AkosiiGan🤓 (@akosiigan)

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng GMA Network na susuriin nito ang nasabing isyu. Idiniin din ng network na seryoso ito sa mga bagay na may kinalaman sa integridad ng mga mamamahayag nito.

"The Network takes matters involving the integrity of our journalists seriously. The Network will evaluate the matter further. GMA Network remains committed to responsible journalism. We ask the public to rerain from drawing conclusions based on unverified information."

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA GINAMIT ANG PANGALAN PARA MAKAPANG-SCAM SA GALLERY NA ITO:

Sa hiwalay na social media post, tinawanan naman ni Tulfo ang bintang sa kaniya. Kinuwestyon din ng kolumnista ang sinabi ng ex-bodyguard na supot ng pera na iniabot sa kaniya.

“Supot na puno ng milyon-milyong pera? Paano magkakasya ang limpak-limpak na salapi sa isang supot? Bayong pa kung ganoon!” sulat nito.

Pinasinungalingan din ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson Atty. George Erwin Garcia ang mga paratang sa kaniya, lalo na at iba-iba ang pahayag ng mga dating bodyguard ni Co.

“Dati, apat na maleta raw binigay sa akin sa harap ng Midas Hotel. Ngayon bag na maliit na lang. Hindi nagtutugma mga sinasabi nila. Nagtatalo-talo na,” sabi ni Garcia.

Mahirap din aniya kung may nagdidikta lang sa kanila kung ano ang sasabihin, at kinuwestyon din ang kinalaman niya sa flood control projects.

Matatandaan, nasangkot ang pangalan ni Co sa bilyong pisong flood control projects na hindi nasimulan dahil kinurakot umano ng dating Ako Bicol Party-list Representative ang budget na nakatalaga rito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Co na nagpadala siya ng male-maletang salapi mula sa budget ng naturang proyekto sa ilang primyadong tao sa loob at labas ng gobyerno.