GMA Logo Arnold Clavio
Courtesy: akosiigan (IG)
What's Hot

Arnold Clavio wins Asia's Influential Voice in Filipino Broadcasting

By EJ Chua
Published November 18, 2024 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Arnold Clavio


Ayon kay Arnold, itinuturing niyang inspirasyon ang naturang pagkilala upang mas husayan pa ang kanyang mga ginagawa bilang isang Kapuso journalist.

Muling nakatanggap ng parangal ang GMA Integrated News Pillar at Unang Hirit host na si Arnold Clavio.

Kinilala si Arnold bilang Asia's Influential Voice in Filipino Broadcasting sa katatapos lang na 2024 Asia's Pinnacle Awards.

Ang bagong tagumpay na ito ay bunga mula sa kanyang pagiging mahusay na mamamahayag, newscaster, at host sa GMA Network.

Sa latest report sa Unang Hirit, inilahad ang mensahe ni Arnold tungkol sa bagong pagkilala na kanyang natanggap.

Pahayag niya, “Itutuloy ko lang 'yung trabaho ko, 'yung dedikasyon ko sa GMA Network, sa radyo, at sa telebisyon. Ito'y hindi dahil sa mga karangalan kundi para patuloy na maging tinig sa katotohanan."

Ayon pa kay Arnold, itinuturing niyang inspirasyon ang naturang pagkilala upang mas husayan pa ang kanyang mga ginagawa bilang isang Kapuso journalist.

Sabi niya, “Ito 'yung nagsisilbing inspirasyon na lalo pang galingan 'yung ginagawa mo ngayon sa GMA Network.”

Samantala, layon ng Asia's Pinnacle Awards na kilalanin at bigyang parangal ang mga indibidwal at organisasyong may malaking impact sa public service, entertainment, at pati na rin sa business industry.

Related gallery: What you need to know about Arnold Clavio's survival story after a
hemorrhagic stroke