
Emotional experience para sa dating Kababol na si Arny Ross ang family trip niya kasama ang asawa na si Franklin Banogon at kanilang baby sa Hong Kong Disneyland.
Sa sunod-sunod na post ni Arny sa kanyang Instagram Story, napakalaking bagay na naisama niya ang kanyang anak na si Jordan Franco.
Matatandaang isinilang ng aktres ang first baby niya noong August 2022.
Lahad niya sa kanyang post, “Teary-eyed Mommy. Tears of Joy.
“Haaaaayyyyy Napakasarap mong pagmasdan anak habang nanonood ng show, sobrang nagpe-pray ako, kausap ko si Lord, sabi ko Lord thank you nadala ko agad anak ko dito.
“Ako 18-years-old pa ako nung nakapunta ko dito, niregalo ni Mama, pero hirap kami magtuturo nun, pili din kakainan namin kasi super sakto lang ang budget. Kaya ngayon din gusto ko din bumawi kay Mama at siyempre mapasaya ang anak ko.”
Sa isa naman niyang post, taos-puso naman ang pasasalamat ni Arny sa kanyang ina na minsan na rin silang dinala noon sa Disneyland.
“And then I hugged Mama after the show. Thanking here kasi dinala niya kami dito noon ng kapatid ko. Kahit hirap sila kasi sabay-sabay kaming apat na pinag-aaral noon, basta masaya kami! Then I told her napakasaya ko Mama nadala ko naman dito 'yung anak ko. Kasama ko pa kayo ni Papa, napakasaya ng puso ko kaya umiiyak ako! Tapos umiyak din si Mama, ayun nag-tawanan na kami sa huli haha!”
Hindi rin nakalimutan ng dating Bubble Gang comedienne na pasalamatan din ang mister na si Franklin.
Aniya, “Napakasuwerte ko po sa asawa ko, opo hihi I love you”
“Hindi basta-basta ang pag-aasawa, pero sobrang pasalamat ko sa Diyos dahil itong lalaking 'to ang binigay niya para sa akin.”
Source: iamarnyross (IG)
Ikinasal sina Arny at Franklin sa Club Ananda noong November 2021.
TINGNAN ANG INTIMATE WEDDING NI ARNY ROSS DITO: