
Mabigat sa loob ng actress-entrepreneur na si Arny Ross ang desisyon nilang mag-asawa na ipaampon ang kanilang furry giant na si Kobe na isang St. Bernard.
Sa sunod-sunod na post ng former Bubble Gang comedienne sa kanyang Instagram Story, aminado ito na sa ngayon ay nakatutok sila sa pag-aalaga ng kanilang baby na si Jordan Franco.
Paliwanag ni Arny, “Hi! Baka may friend kami @franklinbanogon here na gustong mag-alaga kay @kobegiant. Simula kasi nung dumating si @babyjordanfranco wala na silang time ni Kobe, 'di niya nawa-walk, 'di niya na nalalabas at nagagala si Kobe.
“Hindi deserve ni Kobe yun, napakabait na Dog ni Kobe, napaka-sweet na gentle dog!”
“Deserve niya ng may mag-aalaga sa kaniya, nakakalungkot pero 'di naming siya matutukan. Gusto namin mapunta sa kakilala namin. Let me know, sorry Kobe! We love you so much.”
Ramdam sa post ng celebrity mom ang lungkot na kailangan nilang ipa-ampon si Kobe.
Pagpapatuloy niya, “Six months na din si @babyjordanfranco, bukas makalawa tatakbo takbo na dito sa bahay. 'Di naming mapapasok si @kobegiant sa loob. Ayaw kong sa labas lang siya palagi tapos 'di naming nalalakad.
“Nakakalungkot while typing this, I will miss our gentle giant dog.”
“You will always be part of our Growing family @kobegiant. Hahanap si Mommy ng bagong mag-aalaga sa'yo 'yung hindi ka din pababayaan, 'yung mamahalin ka din tulad ng love namin for you!”
Isinilang ni Arny ang kanyang first baby sa kanyang non-showbiz husband noong August 2022.
CUTEST PHOTOS OF YOUR FAVORITE CELEBRITY PETS: