GMA Logo Arny Ross and Franklin Banogon
Celebrity Life

Arny Ross on husband Franklin Banogon's birthday: 'From 13 years mag-boyfriend, ngayon asawa na'

By Aimee Anoc
Published November 9, 2022 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Arny Ross and Franklin Banogon


Isang sweet na post ang inilaan ni Arny Ross para sa 34th birthday ng kanyang asawa na si Franklin Banogon.

Puno ng pasasalamat si Bubble Gang actress Arny Ross sa kanyang birthday message para sa asawang si Franklin Banogon.

Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang pagiging hands on ng asawa sa 3-month-old baby nilang si Jordan Franco.

Pagbati niya, "It's my husband's birthday today. Wow! From 13 years mag-boyfriend, ngayon asawa na, ngayon may baby na! I'm sure isa to sa pinakamasayang birthday mo Daddy!"

Isang post na ibinahagi ni Arny Ross (@iamarnyross)

Ayon kay Arny, malaki ang pasasalamat niya dahil sobra kung mag-alaga si Franklin sa kanilang pamilya. Aniya, lahat ay ginagawa ng asawa para mapadali ang pagiging mommy niya.

"Daddy salamat sa pag-ako nang halos lahat ng kailangan gawin for our baby, kulang na lang ikaw na rin [ang] magpadede sa kanya! Haha! Thank you Lord sa pagbigay sa 'kin ng sobrang hands on na asawa, hindi lang sa baby namin, pati sa 'kin! Talaga pong napakaswerte ko sa asawa kong 'to!" sabi ng aktres.

Dagdag na biro ni Arny, "Kaya baby number 2 na agad, basta payagan na tayo ng OB. Haha! Sarap maging mommy, sobrang na-enjoy ko ang motherhood dahil spoiled ako sa pag-aalaga mo!

"Lord wala na 'kong hihilingin pa, good health lang po para sa aming buong pamilya. Thank you Lord sa buhay ng aking asawa, thank you Mama Doree & Papa Sam sa napakabait niyo pong anak.

"Salamat mahal ko sa pagpapasaya sa 'min ni baby Franco araw-araw, kaya ngayong birthday mo, gusto ko masaya ka Daddy! Sige na bilhin mo na. Haha! Wala nang kokontra. Hehe! We love you so much, happy happy birthday!"

Ikinasal sina Arny at Franklin sa Tagaytay noong November 2021.

TINGNAN ANG DREAM HOUSE NINA ARNY ROSS AT FRANKLIN BANOGON DITO: