What's on TV

Arra San Agustin at Donna Cariaga, magtatagisan sa 'Regal Studio Presents: Dead Husband's Wives'

By Marah Ruiz
Published March 8, 2025 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents Dead Husbands Wives


Sino kina Arra San Agustin at Donna Cariaga ang mananaig sa 'Regal Studio Presents: Dead Husband's Wives'?

Magtatagisan sa pagpapatawa sina Arra San Agustin at Donna Cariaga sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.

Bibibida sila sa episode na pinamagatang "Dead Husband's Wives" bilang Empress at Czarina, mga babaeng nakataggap ng proposal mula sa iisang lalaki.

Pero bago pa man matuloy ang kasal, mamamatay ang kanilang sinisinta at mag-iiwan ito ng malaking pamana para sa "true love" nito.

Magtatagisan sina Empress at Czarina sa pag-aayos ng bahay at 40th day memorial ng kanilang fiance sa ilalim ng mapanuring mata ng kanilang future mother-in-law.

Sino nga ba sa kanila ang karapat-dapat na tagapagmana?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE RITO:

Huwag palampasin ang brand-new episode na "Dead Husband's Wives," March 9, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents. Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.