
Sina Kapuso stars Arra San Agustin at Kimson Tan ang bibida sa brand-new episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap sila bilang unhappy couple sa episode na pinamagatang "Levin and Lisa Forever."
Nagsisimula nang maging strained ang relationship ng married couple na sina Levin at Lisa.
Pero kasama sa prenuptial agreement ng dalawa na magbabayad ng sampung milyon ang unang ma-fall out of love.
Para mapilitan ang partner na makipaghiwalay, magpapaka-toxic sila sa isa't isa.
Sino ang unang bibigay, si Levin o si Lisa?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Levin and Lisa Forever," August 2, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.