
Muling nag-duet ang Kapuso stars na sina Arra San Agustin at Roadfill sa cover version nila ng hit song na "Kailan" mula sa OPM group na Smokey Mountain.
Kasama rin nila si Kapuso athlete and host Chris Tiu na tumugtog ng keyboards at ang music producer na si Eich Abando na tumugtog naman ng drums.
Panoorin ang kanilang performance ng "Kailan" ng Smokey Mountain dito:
Bago ang cover nila ng "Kailan," ibinahagi na rin nina Arra, Roadfill, Chris at Eich ang performance nila ng classic OPM love song ni Rey Valera na "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."
Samantala, bahagi si Arra ng upcoming GMA Telebabad series na Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa primetime.
Abangan siya dito bilang Bella, isang misteryosong vlogger na mapapadpad sa bayan ng Tumahan.
Huwag palampasin ang world premiere ng Lolong, July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.