
Sina Kapuso stars Arra San Agustin at Royce Cabrera ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magtatambal sila sa episode na pinamagatang "Green Thumb, Pure Heart."
Gaganap si Arra bilang si Divine, babaeng magmamana ng garden business ng tatay niya.
Si Royce naman ay si Nardo, isa sa mga scholar ng tatay ni Divine.
Walang gaanong alam sa mga gardening si Divine kaya nalalanta lang ang mga halaman inaalagaan niya.
Buti na lang, magaling sa paghahalaman si Nardo at susubukan niyang tumulong sa shop.
Tatanggapin ba ni Divine ang tulong na alok ni Nardo o magiging hadlang ba ang pride niya para mapanatili ang business na pinaghirapan ng ama?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Green Thumb, Pure Heart," January 25, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.