Article Inside Page
Showbiz News
Ibinahagi nina Arra San Agustin at Shaira Diaz ang ilang bagay na bitbit nila para sa lock-in taping ng 'Lolong.'
Malapit nang magsimula ang lock-in taping ng biggest action-adventure series sa Philippine primetime ngayong 2021 na Lolong.
Handa na rin daw ang dalawang leading ladies nito na sina Arra San Agustin at Shaira Diaz na sumabak sa kanilang mga eksena.
"Madudugo 'yung scenes. May mga masusunog. May mga malulunod. May mga ganoon silang dapat abangan. Na-excite ako. 'Yung mga naging paghahanda ko--workout, siyempre 'yung fina-familiarize ko 'yung sarili ko doon sa role, sa story itself," kuwento ni Shaira.
"Nanonood ako nitong actors sa YouTube wherein 'yung mga Hollywood actors bine-breakdown nila or ine-explain nila in detail 'yung kung paano nila ginagawa 'yung characters nila, kung paano inaaral 'yung characters nila at kung paano ba nila ito ine-execute," pahayag naman ni Arra tungkol sa paghahandang ginawa niya.
Kasalukuyang naka-quarantine ang dalawa sa isang hotel bilang paghahanda sa pagsisimula ng lock-in taping ng action-adventure series.
Ibinahagi naman nila ang mga lock-in taping essentials na binitbit nila.
"Mayroon akong dalang cubic painting ng BTS. Dala ko siya just in case ma-bore ako," bahagi ni Shaira.
Tila buong tindahan ng mga home appliances naman ang baon ni Arra.
"[Nagdala ako ng] coffee maker. Nagdala din ako ng rice cooker ko. Nagdala ako ng portable washing machine. I think ito 'yung usong-uso sa lock-in ngayon, itong portable washing machine na made of plastic. Nagdala 'ko ng mga bareta," aniya.
Parehong nag-renew ng kanilang management contract sa GMA Artist Center sina Arra at Shaira kamakailan.
Samantala, si Kapuso hunk Ruru Madrid naman ang magiging leading man nila sa
Lolong.
Ang
Lolong ay kuwento ng isang binata na may kakaibang kakayanan na kumausap sa isang dambuhalang buwayang nagngangalang Dakila.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa
24 Oras sa video sa itaas.