GMA Logo Arra San Agustin
What's on TV

Arra San Agustin, bibida sa bagong episode ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 22, 2026 5:54 PM PHT
Updated May 22, 2026 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chicks hatch from artificial egg as US company aims to revive extinct species
Gibiling Bag sa Minglanilla, Cebu, Nakamugna og Kahadlok | Balitang Bisdak
This coffee chain just gave its matcha drinks a creamier, richer upgrade

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin


Bibida si Arra San Agustin brand new episode at pangatlong Mother's Month special ng 'Magpakailanman.'

Ipapamalas ni Kapuso actress Arra San Agustin ang husay niya sa drama sa upcoming brand-new episode ng Magpakailanman.

Bibida siya sa episode na pinamagatang "Mana sa Ina" na kuwento ng isang babaeng matutulad ang kapalaran sa kanyang nanay.


Gaganap siya rito bilang Leslie na bahagi ng isang dysfunctional family.

Tila martir ang nanay ni Leslie na tinatanggap at tinitiis na lang ang pananakit at panloloko ng asawa.

Dahil dito, ipapangako ni Leslie na hindi siya tutulad sa kanyang ina.

Pero nang nagkaroon na ng sariling pamilya, ganito rin ang naging kapalaran ni Leslie.

Magagawa pa ba niyang mabago ang kanyang buhay?

Makakasama ni Arra sa episode sina Maricar de Mesa, Polo Ravales, Regine Tolentino, Gil Cuerva, at Gian Magdangal.


SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode at pangatlong Mother's Month special na "Mana sa Ina," May 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.