GMA Logo Arra San Agustin
What's on TV

Arra San Agustin, handa bang sumali sa beauty pageant?

By Maine Aquino
Published May 19, 2021 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin


Alamin ang sagot ni Arra San Agustin kung willing ba siyang sumali sa isang beauty pageant.

Isang fan ang nagtanong kay Arra San Agustin kung may chance ba na sumali ang aktres sa kahit anong beauty pageant.

Ito ay sinagot ni Arra sa episode ng Hangout na umere nitong May 18.

Natatawang sagot ni Arra, "Parang over age na ako. Kasi 'di ba ang alam ko, I'm 26 but looking 18. joke lang!"

Ayon kay Arra, mahabang oras ang kakailanganin sa pagsali sa isang beauty pageant.

Arra San Agustin

Photo source: @arrasanagustin

"Overage na ako kasi may training pa 'to. Alam ko nagte-training pa 'tong mga sumasali sa mga pageants, mga beauty queens natin bago sila sumabak. At kailangan din ata, if I'm not mistaken, experiences."

Inamin rin ni Arra, na hindi niya nahiligan ito dahil malayo ang kaniyang personality sa mga sumasali sa mga beauty pageants.

"Hindi ko din talaga siya nahiligan.

"Very shy ako, wallflower ako. Hindi ko kaya 'yung mga ganun."

Paliwanag pa ni Arra, kung iisipin ng nakararami ay halos pareho lang ito sa trabaho niya bilang artista, iba ang dating nito para sa kaniya.

Ayon sa aktres, hindi niya kaya ang tumayo sa harap ng maraming tao sa isang stage.

"Napaka-ironic niya sa trabaho ko dahil artista, humaharap sa mga tao, humaharap sa mga camera. Iba na 'yung datingan kapag ang daming nanonood sa'yo sa stage. Feeling ko maninigas talaga ako, hindi ko kaya."

Panoorin ang kuwento ni Arra sa Hangout.

Subaybayan pa natin ang iba pang mga Kapuso stars na makakasali sa Hangout.

Hangout: Arra San Agustin, gustong maging isang doktor!

Hangout: Arra San Agustin enjoys playing with her fans!