
Hindi nagpatumpik-tumpik at matapang na sinagot ng Kapuso actress na si Arra San Agustin ang isang mainit na “intrigger” question sa kaniyang pagsalang sa segment na “Chika o Add to Cart” ng programang Chika Cart sa GTV nitong Lunes, Nobyembre 19.
Sa naturang segment, binibigyan ng pagkakataon ang guest star na pumili kung sasagutin nang tapat ang isang kontrobersyal na tanong sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Chika,” o iiwasan ito kapalit ng “Add to Cart.”
Hindi nagdalawang-isip si Arra at agad na pinili ang “Chika.” Agad niyang binasa ang tanong: “Arra, totoo ba na kaya ka hindi imbitado noon sa isang celebrity wedding ay dahil pinagseselosan ka raw ng bride noong naging leading man mo ang groom niya sa isang project?”
Sa halip na umiwas, idinaan ni Arra sa biro at praktikal na paliwanag ang kaniyang unang reaksyon.
“Baka naman nagba-budget lang sila, kayo naman. Magkano rin naman per person do'n. Baka may talagang budget lang sila. Baka 100 guests lang sila,” natatawang sagot ng aktres.
Nilinaw rin niya ang tunay na estado ng pagkakaibigan nila ng kaniyang dating leading man upang tuldukan ang mga espekulasyon. Ayon sa kaniya, nanatiling propesyonal lamang ang kanilang samahan.
“Hindi naman kami gano'n. I mean, we're friends sa taping, pero wala naman kaming—hindi kami nagha-hang out nang kaming dalawa sa labas, or with other group of friends. Hindi naman kami gano'ng level,” paliwanag niya.
“Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako in-invite. Okay lang naman, at least hindi na ako gagastos, 'di ba?” pabirong dagdag pa ni Arra.
Dagdag pa ni Arra, hindi lang siya ang hindi nakatanggap ng imbitasyon mula sa kanilang naging proyekto, maging ang iba pa nilang co-stars at pati na rin ang kanilang direktor ay hindi rin umano naimbitahan.
“Talagang mga close, mga friends, family lang talaga na tight lang sa kanila,” pagbabahagi ng aktres.
Sa huli, nanindigan si Arra na walang katotohanan ang mga bali-balitang selos ang naging ugat ng hindi niya pagkakaimbita.
“Wala namang pagseselos siguro na naganap. I don't think may pagseselos,” pagtatapos niya.
Samantala, panoorin ang Chika Cart para sa hottest and trending showbiz stories. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!
Mapapanood din ang catch-up episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.
Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.
Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:
Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV
Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/
X: https://x.com/ChikaCartGTV
Related Gallery: Arra San Agustin is our new favorite beach babe!