Article Inside Page
Showbiz News
Anu-ano nga ba ang mga katangian na gusto at ayaw ni Arra San Agustin sa isang lalaki?
May fresh episode na ng #AskArraAnything sa Taste MNL kung saan sinagot ni Arra San Agustin ang ilang tanong mula sa kanyang viewers at followers sa social media.
Sa latest episode ng Taste MNL, itinanong ng isang follower kay Arra kung ano ang qualities na hanap niya sa kanyang ideal guy.
Kuwento ni Arra, "I think yung pinaka-attractive sa akin sa isang lalaki is kapag matalino, pero hindi know-it-all or I'm superior sa 'yo."
Diin ni Arra, hindi niya gusto ang mga know-it-all.
"I hate that!"
Dagdag naman ni Arra ang kanyang number one na quality na gusto niyang mahanap sa isang lalaki.
"God-fearing, 'yun ang number one!"
Itinanong rin sa Kapuso star kung sino ang kanyang crush na Hollywood actor.
Sagot ni Arra, "Orlando Bloom! Since
Lord of the Rings, Legolas."
Ang Lord of the Rings ay ipinalabas noong early 2000s. Ito ay base sa epic high-fantasy novel na isinulat ni J. R. R. Tolkien.
Ayon pa kay Arra, pinag-agawan pa nilang magkapatid si Orlando Bloom noon.
"I think high school ata ako noon or grade school. Kami nung ate ko, pinag-aagawan namin siya, si Legolas. Kala mo naman may chance kami 'di ba?" natatawang kuwento niya.
Panoorin ang iba pang parte ng #AskArraAnything sa
Taste MNL video above.
WATCH: Arra San Agustin cooks frozen bangus dishes
Kris Bernal talks about safety in her food business