What's on TV

Arra San Agustin, inaming may nakaraan sa isa niyang co-star sa 'Lolong?'

By Dianne Mariano
Published April 28, 2022 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 Americans among 19 killed in Negros clash — NTF ELCAC
2 dead, 3 believed trapped in tunnel in alleged treasure hunt in Panabo
Unique negosyo ideas, alamin! (Full Episode) | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin


Ano kaya ang paliwanag ni Kapuso actress Arra San Agustin tungkol dito?

Umamin ang Sparkle artist na si Arra San Agustin sa episode ng Mars Pa More na mayroon siyang nakaraan sa isa niyang co-star sa upcoming adventure serye na Lolong.

Ito ay sinagot ng aktres sa “TaranTanong” segment ng programa, kung saan ang nagbigay ng kanyang tanong ay kapwa nitong Kapuso talent na si Nikki Co.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Tanong ni Nikki, “Totoo bang mayroon kang naging past sa isa sa mga kasamahan mo sa Lolong?”

“Yes,” sagot ni Arra ngunit sinabi rin n'ya na “mini” lamang ito.

Paliwanag ng aktres, “Napakabilis lang naman ng mga… parang pahapyaw lang na never natuloy na walang nangyari.”

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Hindi naman inilahad ni Arra ang pangalan ng taong kanyang tinutukoy at ibinulong lamang niya ito kay Mars host Camille Prats.

Dagdag na tanong naman ni Camille sa aktres, “During the lock-in [taping], napag-usapan ba? Inasar ba kayo? Paano naungkat?”

Sagot ni Arra, “Actually, okay naman po, friends naman talaga kami before. So, napag-usapan naman namin, okay naman. Kasi mahirap din sa eksena na parang awkward. Napag-usapan naman namin so okay na.”

Bibigyang buhay ni Arra ang role bilang Bella, ang misteryosong vlogger sa upcoming adventure series na Lolong.

Panoorin ang buong “TaranTanong” segment sa Mars Pa More video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, silipin ang beautiful looks ni Arra San Agustin sa gallery na ito.