
Exciting Friday night adventure ang inihanda ng Amazing Earth ngayong August 29.
Sa episode na ito, mapapanood ang kuwento ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes mula sa wildlife series na “Deadly Australians.” Alamin kung paano nakaka-survive ang natural residents gamit ang kanilang killer instincts and strategy.
Makakasama rin sa Amazing Earth si Arra San Agustin na haharap sa urban jungle challenge sa Camp Tipolo. Panoorin ang three levels of balancing ni Arra sa bridges and tightropes suot ang kanyang long gown.
Ipakikilala rin sa Amazing Earth ang fishermen vloggers ng Romzel TV YouTube Channel. Ipapakita nila ang kanilang pagsabak sa Pacific Ocean sa gitna ng super typhoons.
Abangan ito at marami pang iba sa Amazing Earth ngayong Biyernes, August 29, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: