
Humabol si Kapuso actress Arra San Agustin sa trend na inspired ng hit song na multo ng pop rock band na Cup of Joe.
Sa maikling video na ibinahagi ni Arra sa kanayng Instagram account, makikita siyang maglalagay ng headphones para makinig sa nasabing kanta.
Pagka-press niya ng play button, tila biglang hihiwalay ang kanyang kaluluwa sa mula sa kanyang katawan.
Dito na niya babalikan ang mga alaala niya kasama ang isang lalaking hindi nakikita sa camera.
Nagawa ni Arra ang video sa tulong ng digital creator at aspiring filmmaker na si Josiah Lebante.
"Pahabol naman sa Multo trend mo @josiah_lebante…" sulat ni Arra sa caption ng kanyang post.
Ang "Multo" ay tungkol pangungulila sa taong wala na sa iyong buhay pero tila multong pabalik-balik ang mga alaala ng mga sandaling kapiling pa siya.
Maraming Pinoy na naka-relate rito kaya naging inspirasyon ito para sa mga "Multo edits" o mga bagay na pinaghihinayangan.
Ni-release ng Cup of Joe ang "Multo" noong September 14, 2024.
Ito ang kaunaunahang entry ng isang Filipino artist na nakapasok sa Billboard Global 200 kung saan nag-peak ito sa number 80.
Kalahating taon na rin itong nasa number one spot sa Spotify PH Top 50, kung saan saglit itong na-dethrone ng "The Fate of Ophelia" ni Taylor Swift pero agad in bumalik sa top spot.
Ang Cup of Joe ay isang pop rock band na binubuo ng lead vocalists na sina Gian Bernardino at Raphaell Ridao, lead guitarist na si Gabriel Fernandez, rhythm guitarist na si CJ Fernandez, at keyboardist na si Xen Gareza.