
Ikinuwento ni Arra San Agustin na sumagi na sa kanyang isip na mag-quit sa showbiz.
Ayon ky Arra, itutuloy niya dapat ang pagdo-doktor kung hindi siya natuloy sa showbiz.
PHOTO SOURCE: @arrasanagustin
"Itutuloy ko 'yun for sure," kuwento ni Arra sa kaniyang unang vlog sa kanyang YouTube channel.
Si Arra ay graduate ng kursong BS Psychology sa De La Salle University.
Binalikan ni Arra ang kanyang nakalakhan at kung ano ang paniniwala niya noon sa success.
Ani Arra, "Habang lumalaki ako, parang na-instill sa brain ko na 'yung professional work ko is ganito, ganyan. Kasi hindi naman kami well-off na family. So 'yung dad ko, hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral so for him education daw talaga is 'yung key mo to success."
RELATED GALLERY: Arra San Agustin's prettiest photos
Dugtong pa ni Arra, "Growing up 'yun lang yung naiisip ko na dapat kong gawin kasi first, matutuwa 'yung parents ko, tapos second 'yun nga 'yung successful kasi 'yun 'yung inaral sa akin."
Sumali si Arra sa StarStruck Season 6 noong 2015 at paniniwala niya ay nakalaan siya sa mundo ng showbiz.
"Nag-StarStruck ako bigla noong college. Parang si God, pinulot niya ako tapos inilagay niya ako dito."
Dugtong pa ng Kapuso star, "Ako wala akong kaalam alam kasi wala naman akong background sa pag-a-act. Hindi naman ako nag-commercials, wala akong anything, hindi naman ako nagmo-model. Na-enjoy ko naman siya eventually."
Inamin din ni Arra na hindi niya pa naiintindihan ang halaga ng pag-arte sa kaniyang buhay. Dito niya ikinuwento na plinano niya pala noon na mag-quit sa showbiz industry.
"Parang struggling pa ako noon to really understand the essence of being an actor. Sabi ko lang magiipon lang ako, mag-business ako, and then I'll quit showbiz. Pero, kinain ko 'yung words ko."
Plano raw ni Arra na magpakita pa ng kaniyang talento dahil napamahal na sa kanya ang pag-arte.
"Ngayon, I don't want to leave showbiz. Parang nakikita ko na 'yung sarili ko growing up in the industry kasi nain-love na ako sa kanya."
Panoorin ang unang vlog ni Arra rito: