
Extended ang birthday celebration ng Sparkle actress na si Arra San Agustin dahil noong nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng sorpresa mula sa kanyang fans.
Talaga namang ramdam na ramdam ni Arra ang pagmamahal sa kanya ng fans, ang F.O.A (Friends of Arra), nang maghanda ang mga ito ng isang post-birthday gathering para sa kanya.
Sa Instagram, ibinahagi ng FOA Official ang mensahe ni Arra para sa natanggap na sorpresa mula sa kanyang mga fans.
"Thank you so much for coming to my extended birthday celebration na ina-arrange ng aking FOA. Thank you so much dahil naisip n'yo pa ring gawin ito para sa akin. Syempre, hindi naman mabilisang pag-execute ito... Thank for your time. Sobrang na-appreciate ko kayo," masayang pasasalamat ni Arra sa kanyang fans.
Noong April 25, ipinagdiwang ni Arra San Agustin ang kanyang 31st birthday.
Related content: Arra San Agustin and Analyn Barro have fun in Vietnam