
Sa isa na namang nakaka-intriga at nakakatuwang episode ng Dear Uge, gaganap ang real-life lovers na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan bilang ang mag-asawa na sina Gerold at Wanda.
Kahit walang anak ang dalawang karakter, masaya ang pagsasama nila. Nagbago na lang ang lahat nang magsimulang mag-suspetiya si Wanda na may kabit si Gerold.
Para mawala ang stress, nagsimulang mag-gym si Wanda kung saan naging malapit siya sa gym addict na si Jerby, ang karakter ni Ervic Vijandre.
Hindi lang gym buddies ang naging relasyon ng dalawa nang maging malapit sila sa isa’t-isa. Kung kailan nagkamabutihan sila, mabubunyag ang isang sikreto—na si Jerby ang bisexual na kabit ni Gerold.
Alamin kung ano ang kahahantungan ng love triangle na ito sa Dear Uge, ngayong Linggo, 2:30 p.m., pagkatapos ng Sunday PinaSaya.
MORE ON DEAR UGE:
WATCH: DonEkla, biggest break daw ang pag-arte sa 'Dear Uge'
IN PHOTOS: Kapuso characters of Eugene Domingo
Valentine's Day episode ng 'Dear Uge,' certified trending sa Twitter