GMA Logo Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan
Source: rochellepangilinan (IG)
Celebrity Life

Arthur Solinap, binalikan ang love story nila ni Rochelle Pangilinan sa 'Daisy Siete'

By Kristian Eric Javier
Published August 9, 2024 7:25 PM PHT
Updated August 10, 2024 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan


Happy anniversary, Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap!

Binalikan ni Arthur Solinap ang pagsisimula ng relasyon nila ni Pulang Araw star Rochelle Pangilinan na nagsimula sa Daisy Siete. Ipinagdiriwang kasi nila ngayong buwan ang kanilang 16th anniversary bilang magnobyo, at pitong taon naman bilang mag-asawa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng short video si Arthur kung saan sa simula ay makikita ang pagkikita ng karakter nila ni Rochelle sa Daisy Siete.

Caption ni Arthur sa kanyang post, “Dito nag simula ang lahat.. sa taping ng Daisy Siete.. kaya pala ang line ko sa eksena ay “Ikaw?” yun pala “ikaw” na ang binigay ni God sakın.”

Pagkatapos ng eksena ay ipinakita sa video ang proposal at kasal nina Arthur at Rochelle at ilang litrato kasama ang anak nilang si Shiloh.

Sulat ni Arthur sa dulo ng video, “Happy sixteen years. With you, the future is full of endless possibilities and boundless love.”

Pinasalamatan din niya sina John Feir para sa pag-edit ng video, si Jhake Vargas para sa pag-cover ng kantang ginamit, at at Bubble Gang star Michael V para sa pag-direct.

A post shared by Arthur Gonzalez Solinap (@arthursolinap)

TINGNAN ANG ILAN SA SWEET MOMENTS NINA ARTHUR AT ROCHELLE SA GALLERY NA ITO:

Sa comments, sinabi ni Rochelle, “Grabeeee! Naluha ako ha..ginalingan at full force kayo dyan ha. Salamat po ng marami! Lufet!”

Dagdag pa ng dancer-turned-actress, “I love you Bhe!! Ikaw? @arthursolinap”

Nag-post din si Rochelle Pangilinan ng short but sweet message kay Arthur para naman sa kanilang seventh wedding anniversary sa kanyang Instagram page, kalakip ang video ng mga litrato nilang mag-asawa.

Caption ni Rochelle, “Pitong taon na Bhe! Ang bilis bilis ng panahon! Hindi ka pa din nagbabago sa pagaalaga,papakilig sa kin lagi,pagpapatawa at pagmamahal sa akin o sa amin ni Shiloh at away-bati pa din tayo.”

Pagpapatuloy ni Rochelle, kahit matagal na silang magkasintahan at mag-asawa, ang Diyos pa rin ang sentro ng kanilang relasyon. Kaya naman nagpasalamat ang dancer-actress kay Arthur.

“Maraming maraming salamat asawa ko. Cheers sa marami pang taon Bhe. Date na tayo hehe,”pagtatapos ni Rochelle sa kanyang post.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Ikinasal sina Arthur at Rochelle noong 2017, siyam na taon matapos magsimula ang kanilang relasyon. Noong 2019 ay isinilang naman ang kanilang panganay na anak na si Shiloh.