GMA Logo Artikulo 247
What's on TV

'Artikulo 247,' ngayong March 7 na sa GMA Afternoon Prime

By Jimboy Napoles
Published March 2, 2022 5:53 PM PHT
Updated March 7, 2022 12:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons 12 Metro Manila driving schools for alleged irregularities
Officials to study need to raise fare of Guimaras boat ride
HONNE returns to Manila this August for 10th anniversary tour

Article Inside Page


Showbiz News

Artikulo 247


Mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang inaabangang Kapuso series na 'Artikulo 247' simula sa March 7.

Kasabay ng tag-init, magniningas ang bagong Kapuso serye na Artikulo 247 sa GMA Afternoon Prime na pinagbibidahan ng pinagsamang pwersa ng mga mahuhusay na aktor ng iba't ibang henerasyon. Una na rito sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Mark Herras, at Benjamin Alves.

Kabilang sa stellar cast ang mga batikang aktres na sina Carla Martinez at Glydel Mercado kasama sina, Mike Tan, Maureen Larrazabal, Denise Barbacena, Brent Valdez, Rain Matienzo na unang nakilala sa TikTok, Topper Fabregas na isang mahusay na theater actor, at si Jome Silayan na mula sa respetadong pamilya ng mga beteranong aktor at aktres na sina Vic Silayan at Chat Silayan.

Sa isinagawang media conference ng nasabing serye nitong Martes (March 1), excited na humarap sa press ang cast at production team ng nasabing serye upang imbitahan ang mga manonood na panoorin ang kanilang pinaghirapang proyekto.

Dito ay inilahad ng Direktor na si Jorron Monroy na halos isang taon ang naging preparasyon nila upang mabuo ang serye dahil pandemya. Gayunpaman, kumpiyansa sila na isang bagong mukha ng teleserye ang masusubaybayan ng mga manonood.

Samantala, sa inilabas na behind-the-scenes video ng series kamakailan ay makikita ang pasilip sa ilang mga eksena na dapat abangan ng mga manonood. Panoorin DITO:


Aminado ang cast na bago at challenging ang pagganap sa kanilang mga karakter, pero ito ay kanilang napagtagumpayan dahil sa tulong ng kanilang direktor at production team.

Abangan ang Artikulo 247, sa darating na Lunes, March 7, pagkatapos ng Little Princess, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Silipin ang ilang behind-the-scenes photos ng Artikulo 247 sa gallery na ito: