What's Hot

Artist na frontliner, binigyan ng munting handog ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published June 19, 2020 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, pinag-iisipan ang extradition treaty sa Portugal para madakip si Zaldy Co —DILG
NCAA 101 kicks off 2026 with volleyball tournament
Dalagang NAKAAHON SA HIRAP, NALUBOG SA UTANG dahil gastador! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

gma kapuso foundation


Munting handog ng GMA Kapuso Foundation ang drawing materials at grocery pack para sa isang artist na frontliner din.

Walong taon nang nursing attendant si Pio Cagayutan sa Gen. J. Cailles Memorial District Hospital sa Laguna.

Dahil sa kanyang trabaho, hindi raw niya maiwasang mag-alala lalo na at mayroon siyang dalawang anak na maliliit pa.

"Dumating sa akin 'yung minsan hindi ako makakatulog sa gabi kaiisip.

"Minsan nakak-tatlong ligo kami sa isang duty. Pag- uwi sa bahay, ligo pa rin para mas safe," pahayag niya.

Bukod sa pagiging frontliner, isang artist din si Pio. Naging stress reliever na rin niya ang pagguhit at pagpinta sa panahon ng COVID-19.

Bilang pagkilala sa kanya bilang frontliner at ama ngayong parating na Father's Day, binigyan siya ng munting handog ng GMA Kapuso Foundation na grocery pack at drawing materials.

Samantala, patuloy din ang pagbibigay ng GMA Kapuso Foundation ng protective supplies sa provincial hospitals sa Laguna at Rizal.

Kabilang dito ang Pagsanjan Rural Health Unit, Gen. J. Cailles Memorial District Hospital, Laguna Provincial Hospital, Paete General Hospital, Nagcarlan District Hospital, Majayjay Rural Health Unit, Pagamutang Pangmasa ng Laguna, Sta. Rosa Community Hospital, Dr. Jose Rizal Memorial District Hospital, Ospital ng Cabuyao, at Cainta Municipal Health Office.

33,000 pares ng gloves, 2,200 piraso ng personal protective equipment, 2,200 bote ng 500ml alcohol, 2,200 face shields, 110 kahon ng germicidal soap, 55 kahon ng Nissin wafer, at 991 bote ng Plemex Lagundi ang naipamahagi.

Katuwang pa rin ng GMA Kapuso Foundation ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa pamamahagi.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.