
Itinanghal sina Arvery Lagoring at Christian Tibayan bilang grand champions ng "Tawag ng Tanghalan Duets 2" ng noontime variety show na It's Showtime.
Nagwagi ang "OST Dreamers" matapos makakuha ng pinakamataas na grado na 99.6 % at nakatanggap pa ng P500,000. Ipinamalas nina Arvery at Christian ang kanilang husay sa pagkanta nang awitin ang "Sa Ngalan ng Pag-ibig" sa unang round at "Kapag Ako'y Nagmahal" sa huling round.
Bukod sa tropeo, nakatanggap pa ang grand champions ng management contract mula sa Star Magic at recording and music label contract sa ABS-CBN Music.
Nagwagi naman ang "Jezzian" na sina Ian Manibale at Jezza Quiogue bilang second placer matapos makakuha ng 95.6% na score at nakatanggap ng P150,000.
Samantala, hinirang bilang third placer ang "Pangmala-Cousins" na sina JR Oclarit at Mark Justo matapos makakuha ng average score na 95.4% at sila'y nakatanggap ng P100,000.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: Ang Huling Tapatan sa 'Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak'