
Sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko, dalawang dating miyembro ng KALASAG ang nagbalik at muling nagpakita kay Shaira (Liezel Lopez).
Hindi inaasahan ni Shaira na buhay pa sina Alakdan (Luis Hontiveros) at Mariposa (Faye Lorenzo), na siya na ngayong namumuno sa kutang tinataguan niya.
Ano kaya ang gagawin nina Alakdan at Mariposa kay Shaira, na dati nilang kakampi pero trinaydor sila alang-alang sa pagmamahal niya kay Jordan?
Abangan ang mainit na mga eksena ng Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, at Kapuso Stream. Mayroon ding delayed telecast ang Asawa Ng Asawa Ko tuwing 11:25 p.m. sa GTV.