GMA Logo Asawa Ng Asawa Ko
What's on TV

'Asawa Ng Asawa Ko' finale week, panalo sa ratings!

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 13, 2025 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa Ng Asawa Ko


Maraming salamat sa inyong suporta hanggang sa huli dahil buong linggo panalo ang 'Asawa Ng Asawa Ko.'

Talagang tinutukan ng mga manonood ang huling linggo ng GMA Prime show na Asawa Ng Asawa Ko na pinagbidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, Joem Bascon, at Kylie Padilla.

Sa huling episode ng Asawa Ng Asawa Ko, nagpasya si Cristy (Jasmine) at Jordan (Rayver) na manirahan na sa ibang bansa sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.

Tanggap na rin ni Leon (Joem) ang kabayaran sa mga kasalanan niya sa mahabang panahon. Nagkaroon na rin ng heart-to-heart talk sina Leon at Hannah (Kylie).

Buong linggo puno ng pasabog at rebelasyon ang Asawa Ng Asawa Ko kaya naman hindi ito pinalampas ng mga manonood.

Available sa GMANetwork.com at GMA Network App ang full catch-up episodes ng Asawa Ng Asawa Ko.