
Kahit maraming pinagdaanan ang kanilang relasyon, ikakasal nang muli sina Jordan (Rayver Cruz) at Shaira (Liezel Lopez).
Bago pakasalan ni Jordan si Shaira ay naging malapit muli ito sa kanyang ex-wife na si Cristy (Jasmine Curtis-Smith). Sa katunayan, nasabi ni Jordan na hindi excitement ang nararamdaman niya ngayong ikakasal na siya kay Shaira, malayong-malayo sa naramdaman niya noon na kay Cristy siya ikakasal.
Bukod rito, nanganganib pa ring maudlot ang kasal nina Jordan at Shaira kapag matagumpay na nakatakas si Jeff sa kamay ni Alakdan (Luis Hontiveros).
Masabi kaya ni Jeff kay Jordan ang sikreto ni Shaira na magkapatid sila ni Leon (Joem Bascon)?
Abangan ang maiinit na eksenang 'yan mamaya sa Asawa Ng Asawa Ko, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.