GMA Logo Asawa Ng Asawa Ko GTV
What's on TV

'Asawa Ng Asawa Ko,' mapapanood na rin sa GTV simula February 12

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 12, 2024 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa Ng Asawa Ko GTV


Mapapanood na rin sa GTV tuwing 11:25 P.M. ang GMA Prime series na 'Asawa Ng Asawa Ko' simula sa Lunes, February 12.

Simula sa Lunes, February 12, magkakaroon na ng delayed telecast ang GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko sa GTV tuwing 11:25 P.M.

Patindi na nang patindi ang mga eksena sa Asawa Ng Asawa Ko dahil hindi na natuloy ang kasal ni Jordan (Rayver Cruz) kay Shaira (Liezel Lopez) dahil hindi pa rin siya nakaka-move on kay Cristy (Jasmine Curtis-Smith).

Samantala, sa kuta naman ng KALASAG, nagpaplano na sina Alakdan (Luis Hontiveros) ng kudeta kay Leon (Joem Bascon) dahil sa tingin nila ay nakakaapekto sa kanilang grupo ang pagpapakasal ni Leon kay Cristy.



Ano kaya mangyayari sa pagmamahalan nina Cristy at Jordan na naudlot? Ngayong nakakawatak-watak na ang KALASAG, makakabalik na kayang sa siyudad si Cristy?

Abangan ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime. Mapapanood rin itong sabay sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.