
Mas naging kapana-panabik ang istorya ng GMA Prime series Asawa Ng Asawa Ko dahil may dumagdag na bagong babae sa buhay ni Jordan (Rayver Cruz).
Bihag si Jordan ng grupong KALASAG at isa si Mariposa (Faye Lorenzo) sa bagong tauhan ni Alakdan (Luis Hontiveros) na nagbabantay sa kanya.
Hindi inaasahan ni Jordan na may mangyayari sa kanila ni Mariposa dahil nakatali siya sa isang upuan.
Dadagdag na kaya si Mariposa sa mga babae sa buhay ni Jordan?
Patuloy na panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon ding delayed telecast ang 'Asawa Ng Asawa Ko' tuwing 11:25 p.m. sa GTV.