GMA Logo Asawa Ng Asawa Ko
What's on TV

'Asawa Ng Asawa Ko,' nagtala ng pinakamataas na rating

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 13, 2024 2:32 PM PHT
Updated August 13, 2024 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 katao na sakay ng MPV, patay matapos mabangga ng trailer truck sa Isabela
GMA Pinoy TV Champions Global Filipino Entrepreneurship at the 18th PHILSME Expo
Itayo ang bandera ng mga Uragon! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa Ng Asawa Ko


Nakapagtala ang 'Asawa Ng Asawa Ko' ng 8.4 percent ratings kagabi, August 12, ang pinakamataas na nakuha ng programa.

Habang tumatagal, parami nang parami ang nanonood sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko dahil sa mas tumitinding eksena nito.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakakuha ng 8.4 percent aggregated ratings ang Asawa Ng Asawa Ko sa ika-120 episode nito, mas mataas sa mga katapat nitong programa.

Asawa Ng Asawa Ko

Asawa Ng Asawa Ko records highest rating to date at 8.4% as Jordan (Rayver Cruz) worries about his brother Jeff (Martin Del Rosario) who is in critical condition.

Sa episode kagabi, August 12, nag-aalala pa rin si Jordan (Rayver Cruz) sa kapatid niyang si Jeff (Martin Del Rosario) na kritikal ang lagay matapos siyang barilin ni Alakdan (Luis Hontiveros).

Kinompronta na rin ni Jordan ang asawa niyang si Shaira (Liezel Lopez) kung totoo ang sinabi ni Jeff na siya ang ama ni Junior.

Patuloy na abangan ang lalong tumitinding mga eksesa sa Asawa Ng Asawa Ko, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon ding delayed telecast ang Asawa Ng Asawa Ko tuwing 11:25 p.m. sa GTV.