
Parami nang parami ang mga nanonood sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko ngayong nakatakas na si Cristy (Jasmine Curtis-Smith) sa kamay ng KALASAG.
Sa episode kagabi, February 12, nagkaroon ng pagkakataon si Cristy na makatakas dahil nagkakawatak-watak na ang pinuno ng KALASAG na si Leon (Joem Bascon) at ang kanyang kanang kamay na si Alakdan (Luis Hontiveros).
Samantala, nakuha na ni Shaira (Liezel Lopez) ang buong tiwala ni Carmela (Gina Alajar) dahil iniligtas niya ang apo nitong si Tori (Kzhoebe Nichole Baker).
Dahil sa matitinding eksenang 'yan, muling nanalo ang Asawa Ng Asawa Ko sa ratings laban sa katapat nitong programa.
Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 5.7% ang Asawa Ng Asawa Ko sa GMA, mas mataas sa 4.7 aggregated ratings na nakuha ng Can't Buy Me Love na pinapalabas sa tatlong channel.
Ngayong nakatakas na si Cristy sa kamay ng KALASAG, may maaabutan pa kaya siyang asawa't anak sa pagbabalik niya sa siyudad?
Panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime, Pinoy Hits, and Kapuso Stream. Mayroon din itong delayed telecast tuwing 11:25 P.M. sa GTV.