GMA Logo Asawa Ng Asawa Ko
What's on TV

'Asawa Ng Asawa Ko,' patuloy ang pagtaas sa ratings!

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 30, 2024 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa Ng Asawa Ko


Sa episode nito kahapon, January 29, nakapagtala ang 'Asawa Ng Asawa Ko' ng 5% sa ratings, mas mataas sa mga katapat nitong programa.

Parami nang parami ang patuloy na nanonood ng GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 5% ang Asawa Ng Asawa Ko sa episode nito kahapon, January 29. Mas mataas ito kumpara sa ratings ng mga katapat nitong programa.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)


Sa Asawa Ng Asawa Ko, hindi pa rin nakakapiling nina Cristy (Jasmine) at Jordan (Rayver) ang isa't isa matapos silang bihagin ng rebeldeng grupong KALASAG.

Nakawala si Jordan ngunit bihag pa rin ng KALASAG si Cristy. Sa katunayan, gusto na itong pakasalan ng lider ng grupong si Leon (Joem Bascon).

Makatakas pa kaya si Cristy sa kamay ni Leon? Patuloy na abangan ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime. Kasabay rin itong mapapanood sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.

SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG MGA KARAKTER SA ASAWA NG ASAWA KO SA MGA LARAWANG ITO: