
Tila nakaramdam ng separation anxiety ang misis ng actor-politician na si Alfred Vargas nang may gagawing event outside school ang anak nila na si Aryana o Ary.
Post ni Yasmine Vargas sa Instagram noong March 5, aminado na may alinlangan siya na padaluhin ang anak na babae sa isang campout event ng kaniyang school.
Lahad niya, “The other day nag-school campout si Ary. At first, ayaw kong sumama siya kasi first time niyang hindi matutulog sa bahay na hindi ako kasama. Natatakot ako kung anong pwede mangyari sa kanya.”
Sa huli napapayag siya ni Alfred, pero, hindi nito napigilan sundan pa rin ang anak sa school event niya.
Nakakatawang kuwento ni Yasmine, “Pero sa huli nakumbinsi din ako ni Daddy. Para sa kanya importanteng maexperience ni Ary ito para mas maging responsible siya at madiscover niya ang adventurous side niya and learn a lot from the experience. Inassure din naman ako ng class advisor nila na safe silang lahat doon.”
“Pero siyempre praning pa din ako, kaya nag-convoy kami hanggang sa gate ng compound ng campout at nag check-in na lang ako sa nearest hotel kasama si Cristiano, kasi hindi ko din siya maiwan sa bahay (si Alex ayaw talaga mag absent kaya hindi sumama at kasama niya si Daddy and Nonna sa bahay),” aniya.
“Grabe, iniisip ko one night pa lang ito pero super emotional and takot na takot ako. Paano kaya pag gusto na nilang mag aral or tumira abroad? Hindi ko alam paano kinaya ng Mom ko na payagan ako tumira dito when I was 19... Anyway, super nag enjoy si Ary,” dagdag pa niya.
Bukod kay Ary, may isa pa silang anak na babae na si Alexandra at ang bunso naman nila na si Alfredo Cristiano ay isinilang noong December 2018.
Nakilala nang husto si Alfred Vargas sa hit telefantasya series na Encantadia at may special role rin siya sa katatapos na afternoon series na Unica Hija na pinagbibidahan nina Katrina Halili, Kate Valdez, at Kelvin Miranda.
Last month naman, napanood din si Alfred na nagsisilbing city councilor sa Quezon City kasama ang kaniyang kamag-anak sa high-rating game show na Family Feud Philippines hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NI YASMINE NA NAGPAPATUNAY NA KA-LOOK-ALIKE SIYA NI MARIAN RIVERA RITO: