GMA Logo jan manual
Source: 24 Oras Weekend and jameysantiago_ (IG)
What's Hot

Asawa ni Jan Manual, idinetalye ang tinamong injury ng mister dahil sa aksidente

By Aedrianne Acar
Published February 19, 2023 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

jan manual


Paano naaksidente ang 'StarStruck' alumnus na si Jan Manual? Alamin ang mga detalye rito:

Idinitalye ng asawa ni Jan Manual na si Jamey Santiago-Manual ang aksidenteng kinasangkutan ng kanilang pamilya, na nagdulot ng ilang tama sa ulo ng kanyang asawa.

Sa panayam ni Jamey sa 24 Oras Weekend, ikinuwento niya na pinilit ni Jan na pigilan ang kanilang kotse nang bigla ito umarangkada, kahit nakahinto ito sa pababang bahagi ng daan. Naipit daw ang kaniyang mister nang sumalpok na ang kanilang sasakyan sa isang poste.

Lahad pa ni Jamey ay nakatakda sana silang pumunta sa ospital para pabakunahan ang kanilang two-month-old baby.

Pagbabalik-tanaw niya, “Miracle talaga na walang galos 'yung baby ko na hawak-hawak ko, yakap-yakap ko.” sabi niya sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

“'Tapos, nakita ko na lang po si Jan [Manual] bumangga na sa poste 'yung kotse, 'Arghhh', sumisigaw na siya, 'tapos duguan na po siya.”

Sumailalim sa ilang procedure ang dating Bubble Gang actor para i-check ang tinamo niyang injury sa ulo.

Sa kabutihang palad, kinailangan lang muna ni Jan ng isang minor surgery.

Kuwento niya, “Chineck kung mero'n tama sa pinaka-brain. Maga 'yung brain niya, but thank God kasi nag-undergo lang siya ng minor surgery. Lubog po 'yung cheeks niya, kasi nga po ang lakas ng tama po dito [holds her face]. Tapos maga po 'yung right ear niya.”

Dagdag ni Jamey, “Prayers po will really help and of course 'yung love po natin kay Jan, 'yun po 'yung mahalaga na tulong talaga.”

Samantala, may update din si Jamey sa Instagram tungkol sa lagay ni Jan nitong February 18, kung saan inisa-isa niya ang obserbasyon ng mga doktor ng kaniyang mister.

Sabi niya sa post, “NEURO DOCTOR said: Hindi lumaki ang blood clot ni Jan for the last 48 hours kaya cleared na siya sakaniya. Hayaan nalang daw mag heal ng kusa yung blood clot for the next 2-3 weeks. Praise God our healer!!!!

“ENT (Ear, nose & throat) DOCTOR said: He will wait for the next 7 days na mawala ang swelling ng kaniyang face, they will conduct some tests and check if for surgery 'daw' ang fractures sa kaniyang cheekbone. Pero, we cancel this!!! Sasabay ang healing ng pamamaga at cheekbone fractures for the next 7 days or less in Jesus' name!!!

“OPHTHA DOCTOR said: Walang damage sa kaniyang vision. Hallelujah!!! But we will go back to her also for further checking after ng maga.”

A post shared by Jamey Keeneth Santiago-Manual (@jameysantiago_)

Muling nagpaabot si Jamey ng taos-puso niyang pasasalamat sa lahat ng tao na dumamay sa kanila sa matinding pagsubok na kanilang hinaharap.

“Thank you our dearest family, churches and friends for your love, prayers, messages of encouragement and support.

“Ramdam na ramdam po namin!!!! Iyak po kami ng iyak sainyong pagmamahal!!!!! Grabe po ang mga miracles stories na naririnig namin at paano tayong lahat nag unite sa prayer!!!! Grabe po!!!”

Na-engaged ang sina Jan and Jamey taong 2017 at nang Hunyo ng sumunod na taon nagpakasal naman silang dalawa.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA AKSIDENTENG KINASANGKUTAN NG ILANG CELEBRITIES: