
Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ), minabuti muna ni 'Pinas Sarap' host Kara David na huwag na lang papasukin ang camera crew nila para mag-shoot.
Sa halip ay nag-DIY shoot na lamang sila ng kanyang singer-songwriter na asawa na si LM Cancio, para sa Superfoods episode ng 'Pinas Sarap' na mapapanood ngayong Sabado, 4:05 PM, pagkatapos ng i-Witness sa GMA-7.
Kakauwi pa lamang ni LM mula abroad noong Marso, dahil nagtatrabaho siya sa isang cruise ship. At sumailalim siya sa 14-day quarantine alinsunod sa patakarang ipinapatupad ng pamahalaan para sa mga returning overseas Filipino workers.
At nang matapos na ni LM ang kanyang mandatory quarantine ay muli na silang nagkasama ni Kara, at nagtulungan para makapag-shoot ng Superfoods episode ng 'Pinas Sarap'.
Kapuso Showbiz News: Kara David, paano nag-shoot ng 'Pinas Sarap' episode ngayong may ECQ?
Kara David, hindi muna nayakap ang asawa nang sunduin sa airport
LOOK: More photos from the dream wedding of Kara David
WATCH: Kara David narrates how Jessica Soho accidentally discovered her potential as a journalist