
Nanganak na ang asawa ni Whamos Cruz na si Antonette Gail Del Rosario sa kanilang unang anak na lalaki, na tinawag nilang Baby Meteor.
Masayang ibinahagi ng sikat na vlogger ang magandang balita kagabi, January 24, sa kanyang Facebook page.
Sa kanyang Facebook video, mapapanood kung paanong binantayan at pinalakas ni Whamos ang loob ng asawa habang nasa ospital at nanganganak. Kita rin ang kaba nito habang hinihintay na manganak ang asawa.
Photo by: Whamoscruz (Instagram)
Nang manganak na si Antonette, hindi pinalagpas ni Whamos ang pagkakataon na agad na mahawakan ang kanyang Baby Meteor, na aniya "Ang puti n'ya, grabe mana sa mama n'ya, ang tangos din ng ilong."
Ipinanganak si Baby Meteor noong Martes, January 24, sa Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital sa Quezon City.
Congratulations, Whamos at Antonette!
SAMANTALA, KILALANIN ANG HOTTEST FILIPINO CONTENT CREATORS SA GALLERY NA ITO: