What's on TV

Ash Ortega and Juancho Trivino, the newest Kapuso love team

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 9:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sila sa 'InstaDAD' this Sunday!
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

May dumagdag sa listahan ng mga nagpapakilig sa Kapuso viewers dahil sa bagong love team nina Ash Ortega at Juancho Trivino. Magiging partner ang dalawa sa kasisimula pa lang na show, ang InstaDAD.

Hindi ito ang unang beses na nagkatrabaho sina Ash at Juancho dahil nag-guest noon ang aktor sa My Destiny. Bukod pa rito, nagkasama na raw sila sa ilang workshops kaya't magkakilala na talaga sila.

“Walang awkwardness dahil magkakilala kami. Well despite the age gap na mayroon kami, she is very comfortable with me,” pahayag ni Juancho.

Ayon naman kay Ash, malaking advantage raw na nanggaling si Juancho sa isang teen-oriented show noon, ang Teen Gen.

“Working with him is interesting kasi galing din siya sa youth-oriented show before, so alam niya na 'yung kilig. So at least, puwede kaming magtulungan on what to do para pakiligin 'yung fans,” ani Ashley.

Ngayong darating na Linggo na lalabas ang character ni Juancho na si Dwight sa InstaDAD.

“Ako 'yung magiging love interest ni Ash. He's basically a jock - a varsity player na mayaman sa school,” pagpapakilala ni Juancho sa kanyang role.