GMA Logo Ashley Sarmiento, Marco Masa, Lella Ford, Joaquin Arce
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA
What's Hot

AshCo at LelQuin, nilayag din ng PBB 2.0 housemates

By EJ Chua
Published February 14, 2026 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Ansay takes Sofia Pablo on Valentine's date by the beach
Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras
Mga Balay sa mga Retiradong Air Force sulod sa Mactan Airbase, Gipangguba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Marco Masa, Lella Ford, Joaquin Arce


Bukod kina Caprice Cayetano at Heath Jornales, may sweet moments din sa actingan sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Lella Ford, Joaquin Arce sa ''PBB Celebrity Collab Edition 2.0.'

Talaga namang bumuhos ang kilig ng Kabataang Pinoy housemates sa nakaraang episodes sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

*Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Kasabay ng operation ng PBB Hotel para sa weekly task ng housemates, isang acting challenge na naman ang naganap sa loob ng iconic house.

Si Princess Aliyah ang nagsilbing direktor para sa ilang eksena na pinagbidahan ng anim na housemates na isini-ship din mismo ng kanilang mga kasamahan.

Nilayag nila ang AshCo, ang tambalan ng Kapuso housemates na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa na nagmala muse at escort sa kanilang actingan.

Kinakiligan din ang LelQuin, ang tambalan naman ng Kapamilya housemates na sina Lella Ford at Joaquin Arce.

Bukod kay Marco, isini-ship din kay Ashley ang ex-housemate na si Rave Victoria, habang si Lella naman ay isini-ship din sa ex-housemate na si Anton Vinzon.

Samantala, bago pa ang kanilang mga eksena, una nang nagpakilig ang CapHeath, sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na tila paboritong love team ng housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Ano pa kaya ang susunod na mga eksena sa teleserye ng totoong buhay?

Abangan pa ang twists at surprise mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.